Ben Adams ng A1, gustong maka-duet si Sarah G

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2019 11:32 AM | Updated as of Sep 10 2019 08:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Gustong maka-duet ni Ben Adams, miyembro ng sikat na '90s boy band na A1, si Sarah Geronimo.

Sa tweet ni Adams, nagtanong siya kung sinong Asian singer sa Southeast Asia ang puwede niyang maka-duet.

Maraming fans ang nag-suggest ng pangalan ni Sarah.

Kaya ang ginawa ni Adams, pinanood niya ang ilang performances ni Sarah online at napahanga sa Kapamilya singer.

Sa ngayon, nagpaabot na ng mensahe si Adams sa Viva Artists Agency. -- Umagang Kay Ganda, Setyembre 10, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.