Baron Geisler, naghahanda na sa nalalapit na kasal

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2019 04:32 PM


MAYNILA -- Nagbigay-update ang aktor na si Baron Geisler sa kanyang nalalapit na kasal sa nobya nitong si Jamie Evangelista.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jamie Marie Evangelista (@jamieevangelista) on

Sa naging panayam ng press kay Baron nitong Martes, ibinahagi ng aktor ang ilan sa kanyang mga ginagawang pagahahanda para sa kasal sa susunod na taon.

"Malapit na ang kasal kaya kung sinong gustong tumulong," pagbibiro ni Baron.

Aniya isang simpleng kasalan lamang ang kanilang plano na dadaluhan ng kani-kanilang pamilya at kaanak.

"Hindi nga po ako bumili ng kotse e, inuna ko 'yung para sa baby, we just want to make it simple lang," aniya.

"Gusto daw muna niya magpapayat, pero sabi ko nga, 'Love, masaya na ako sa katawan mo, kaya nga ako na in love sa 'yo e,'" dagdag pa ng aktor.

Kahit na abala ngayon sa "Ang Probinsyano," nagpapasalamat din si Baron sa nobya para sa pang-unawa nito sa kanilang limitadong oras.

"Actually, she's God's gift to me talaga. I'm very blessed to have her in my life kasi I'm not perfect, I'm God's work in progress, but I am striving to be the best version of myself. Without God by my side and without her, I cannot make it," pagamin ni Baron.

Matatandaan na Abril nitong taon, inanunsyo ng aktor ang kanyang planong pagpapakasal sa kanyang nobya na nakilala niya sa rehabilitation center kung saan siya nagpagamot.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.