MILAN - Dinumog ng fans ang mga Kapamilya stars na nag-ikot sa Pinoy community sa Milan para magpasalamat sa kanilang suporta.
Dumalaw din sa Philippine Consulate General sa Milan ang mga beteranong ASAP performers.
Dumating na rin sa Milan ang ang second batch ng ASAP Natin ‘To Milan artists na sina Angeline Quinto, Morissete, Jona, Klarisse, KZ Tandingan at Moira dela Torre.
“After pandemic ngayon lang po uli kami nagkaroon ng pagkakataon na makapunta sa Europe, ang buong pamilya ng ASAP.. Sobrang excited din kami na makapagbigay ng konting kasiyahan lang, alam ko na busy ang mga kababayan natin dito pero pagkatapos ng ASAP Milan, uuwi sila na puno ng inspirasyon,” sabi ni Angeline Quinto.
“Dito mangyayari sa ASAP Milan yung dream collaboration ko with Kitchie Nadal at sobrang na-excite po talaga ako,” sabi ni Moira Dela Torre.
Bumisita naman sa Konsulado ng Pilipinas sa Milan sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez kung saan mainit silang tinanggap ng mga Pinoy sa pamumuno ni Consul General Elmer Cato.
Game naman na nagpa-sampol ng kanta si Martin. Full force ang ASAP Natin ‘To team sa pagbisita sa mga iba-ibang lugar sa Milan lalo na ang mga tindahan ng ASAP tickets.
Dumayo sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Loreto, kung saan matiyagang pumila ang fans para magpa-selfie.
Habang sa Duomo, kwela naman sina Kim Chiu at Maymay Entrata na nakipag-chikahan sa kanilang fans. Hindi na mapigil ang saya ng mga Pinoy sa pagdating sa Milan ng kanilang mga paboritong Kapamilya performers.
Higit 30 na de kalibreng Kapamilya artists ang magpapadagundong ng Mediolanum Forum mula sa world class acts at performance ng mga nagniningningang Kapamilya stars.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italya, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: