PatrolPH

Nagandahan o nangungutang? Regine, Robi ‘dinasalan’ ang litrato ni Vice Ganda

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2022 04:07 PM

Mula sa Instagram ni Regine Velasquez
Mula sa Instagram ni Regine Velasquez

MAYNILA – Kinagiliwan ng maraming netizens ang nakakatuwang post nina Regine Velasquez at Robi Domingo na animo’y dinadasalan ang litrato ni Vice Ganda. 

Sa kaniyang Instagram account, inilabas ni Asia’s Songbird ang kaniyang larawan kasama si Domingo habang nakatitig sa litrato ng komedyante sa pasilyo ng ABS-CBN compound. 

“Yung hindi nyo masyadong mapagtanto kung nagagandahan kayo sa mayaman nyong office mate o balak nyo lang utangan,” pabirong batid ng Kapamilya singer. 

Sa ikalawang larawan, nagpanggap pa ang dalawang star ng “Idol Philippines” Season 2 na mataimtim na nagdadasal sa picture ni Vice. 

“Tayo ay humingi ng kahilingan sa birtud,” komento ni Domingo sa nasabing post. 

Hindi naman ito pinalampas ng “It’s Showtime!” host at kunwaring nagbigay din ng kaniyang basbas sa dalawang artista bilang isang “bertud.”

“Sumainyo ang kapangyarihan ng Mahal na Bertud,” banat ni Vice sa comment section. 

Nagsilbing hurado si Vice ng unang season ng “Idol Philippines” habang si Domingo naman ang bagong host ng singing competition sa ABS-CBN. 

Nananatiling judge ng palabas si Velasquez kasama sina Moira dela Torre, Chito Miranda, at Gary Valenciano. 

Kasama naman ni Vice sa “It's Showtime” ang asawa ni Songbird na si Ogie Alcasid bilang host. 


KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.