PatrolPH

Viral edited TikTok video ni Paulo Avelino, pinag-usapan sa social media

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2021 06:41 PM

Screenshot mula sa Twitter video ni @Anjanethmsl
Screenshot mula sa Twitter video ni @Anjanethmsl

Patok ngayon sa social media ang pop dance TikTok video kung saan maaaring mag-face swap sa babaeng sumasayaw -- at maging ang aktor na si Paulo Avelino ay hindi nakaligtas dito.

Sa Twitter, isang fan ang naglabas ng TikTok entry kung saan mukha ng aktor ang kaniyang inilapat.

Tila bumagay naman kay Avelino ang face swap dahil pinag-usapan ng mga netizen kung gaano kaganda ang aktor pag naging babae. 

“Napakaganda mo,nnakakatomboy HAHAHAHAHA,” saad ng isang netizen. 

“Paula ng taon HAHAHAHHA ang ganda mo Mahal na ata Kita,” pahabol naman ng isa pang tagahanga. 

Hindi pinalampas ni Avelino ang viral na video kung saan may nakakatuwang hirit ito sa mga nakapansin ng TikTok clip: “Hooooy mga p*ny*ta.”

Nitong Agosto, ginulat ng aktor ang mga tagahanga nang mag-aya ng “e-numan” session sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account. 

Mabilis na napuno ang virtual meeting na ginawa ng aktor kung saan totoong nakipag-usap ito sa kaniyang fans habang umiinom ng alak. 

“Minsan kailangan talaga ng social interaction kasi nakakabaliw lang talaga,” saad ni Avelino sa kaniyang panayam kay G3 San Diego. 

Nakatakdang bumida sa nalalapit na teleseryeng “Marry Me, Marry You” si Avelino kasama si Janine Gutierrez.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.