MAYNILA -- Isa sa mga hindi makakalimutang karakter sa "FPJ's Ang Probinsyano" ay si Lucas Cabrera na ginampanan ni Edu Manzano.
Sa video na inilabas ng Dreamscape Entertainment, muling binalikan ni Manzano ang kanyang masayang karanasan sa programa.
"Very pleasurable, masaya, pero matindi 'yung pressure. Unang-una sa lahat, it's one of the most watched TV shows of all-time. Sobrang masaya kasama. Nami-miss ko kayong lahat," ani Manzano.
"Happy 6th anniversary mga Ka-Probinsyano at nandito pa rin kami dahil sa inyo at para sa inyo," dagdag ni Manzano.
Matatandaang si Cabrera ang tumayong presidente nang pinagtangkaang patayin noon si Oscar Hidalgo (Rowell Santiago), ang totoong presidente, na nailigtas naman ni Cardo (Coco Martin).
Samantala, nagpahatid na rin ng kanilang suporta at pagbati para sa ika-6 na anibersaryo ng "Ang Probinsyano" sina Cherry Pie Picache at Paulo Avelino.
Sa serye, ginampanan ni Picache ang karakter ni Linda, ang ina ng karakter ni Marlon (Carlo Aquino) na may kinalaman noon sa mga pagsabog.
"Sana mas matagal akong napasama sa 'Ang Probinsyano.' I am very, very grateful and I'm very proud that I was a part of it. I congratulate each and everyone na kasama sa bumubuo ng 'FPJ's Ang Probisnyano,' Mr. Coco Martin, congratulations. A very great job well done, ang galing niyo. To each and everyone in the team, congrats," ani Pichache.
Nagpasalamat din si Avellino sa pagkakataon na maging parte ng serye at mabigyan ng kakaibang karakter. Si serye, ginampanan ni Avelino ang karakter ni Eric na isang mamamatay tao.
"Si Coco naman tuwing magkakatrabaho kami ay palagi niya akong binibigyan ng mga role na medyo hindi pangkaraniwan. Nagpapasalamat din ako dahil kahit paano ay naging parte rin ako ng 'Ang Pobinsyano.' Nais ko lang kayong i-congratulate dahil anim na taon na kayo going strong pa rin," ani Avelino.
Mapapanood ang bagong yugto ng seryeng "Ang Probinsyano" sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, CineMo, iWant TFC, TFC, WeTV, at iflix.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Paulo Avelino, FPJ's Ang Probinsyano, Tagalog News