Young stars naghahanda para sa ABS-CBN Ball

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 09:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Todo ang paghahanda ng young stars para sa kanilang mga susuotin sa ABS-CBN Ball, na may temang "modern Filipiniana."

Kasama sa mga naghahanda na ay sina Kisses Delavin, Kira Balinger, Charlie Dizon, at Michelle Vito.

"Nag-research ako sa Internet ng mga pegs na magpapakita na Filipiniana siya pero modern pa rin," ani Vito.

Sinampolan din si Balinger ng make-up ng celebrity make-up artist na si RB Chanco.

"When we say kasi Filipiniana, you have to be regal eh," ani Chanco.

"Lesser the foundation, kita 'yong balat, lesser the eye shadow, mas kita 'yong mata, lesser the contour," dagdag ni Chanco.

Ayon naman kay Leila Alcasid, hindi niya muna ka-date ngayong taon ang amang si Ogie Alcasid.

Tulad noong nakaraang taon, si Vania Romoff pa rin ang gagawa ng susuotin ni Leila para sa event.

Si Romoff din ang gumawa ng designs para kina Bea Alonzo at Erich Gonzales.

Sa Sabado, Setyembre 14 na ang ABS-CBN Ball para sa Bantay Bata 163.

Mapapanood nang live ang red carpet sa Metro Channel, na may pre-show ng alas-6 ng gabi.

Mapapanood din ito sa live online streaming, KBO sa ABS-CBN TV Plus, at sa website ng ABS-CBN Ball.

-- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.