PatrolPH

'You Do Note' girl Majo Lingat, ipinasyal ni Robi Domingo

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 03:53 PM

MAYNILA -- Tila mas malapit na ngayon sa isa't isa ang Kapamilya host na si Robi Domingo at si Majo Lingat o mas kilala bilang si "You Do Note" girl.

Sa YouTube video ng Kapamilya host, ibinahagi niya ang kanilang naging pamamasyal sa Art in Island Museum.

Watch more on iWantTFC

Dito, nag-enjoy sina Robi at Majo sa pagkuha ng mga retrato habang masayang nagbibiruan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo) on

Hindi ito ang unang beses na nakasama ni Robi si "You Do Note" girl. Matatandaan na sa isang masayang panayam ng MYX unang nagsama noon sina Majo at Robi.

Watch more on iWantTFC

"Na-miss ko anak ko na 'to eh. Bago ang lahat, maraming salamat sa pagpunta dito. Alam kong marami kang ginagawa ngayon, very busy ka pero gusto kong magpasalamat sa 'yo dahil maraming nagsasabi na ang gwapo-gwapo ko raw dahil sa pagtawa ko. Ikaw lang nakagawa no," sabi pa ni Robi.

Bago magtapos ang kanilang pamamasyal, may mga regalo din na ibinigay ang Kapamilya host kay Majo tulad ng school supplies, stuffed toy at hair accessory set.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.