Dimples, binansagang 'Daytime Teleserye Queen'

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 11:49 AM | Updated as of Sep 09 2019 12:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Dahil sa magaling niyang pagganap sa teleseryeng "Kadenang Ginto," "Daytime Teleserye Queen" na ang bansag ngayon sa aktres na si Dimples Romana.

Kuwento ni Dimples, natutuwa siya na nagbubunga ang kanyang pinaghihirapan kaya't labis ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng suporta na natatanggap niya.

Sinabi rin ni Dimples na ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang fans kahit pa marami ang naiinis sa kanyang karakter na si Daniela Mondragon sa "Kadenang Ginto."

-- Umagang Kay Ganda, Setyembre 9, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.