PatrolPH

Anniversary concert ni Imelda Papin, kasado na sa Philippine Arena

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 03:04 PM

MAYNILA -- Isang engrandeng selebrasyon ang pinaghandaan ng tinaguriang "jukebox queen" ng Pilipinas na si Imelda Papin.

Sa Instagram post ng anak niyang si Maffi, ibinahagi nito ang poster ng nalalapit concert ng kanyang ina na "Imelda Papin Queen @45" na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa darating na Oktubre 26.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by đź’‹Maffi Papin Carrionđź’‹ (@maffipapin) on

Inaasahaan na magiging bahagi ng anniversary concert ni Imelda ang kanyang malalapit na kaibigan gaya nina Pilita Corales, Victor Wood, April Boy Regino, Andrew E, Sonny Parsons ng Hagibis at kapwa-jukebox queens na sina Eva Eugenio at Claire Dela Fuente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.