Angelica Panganiban, concert producer na ngayon

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 06:37 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

MAYNILA -- Looking forward ngayon ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban para sa kanyang bagong role bilang isang concert producer.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Hueniverse Music Festival (@hueniverseph) on

Isa si Angelica sa mga celebrity na bumubuo ng unang Hueniverse Music Festival kasama ang mga kaibigan na sina John Prats, Camille Prats, Isabel Oli at Sam Milby.

Kuwento ng aktres, halos isang taon ang pagpaplano nila bago maisakatuparan ang kanilang unang proyekto na gaganapin sa Setyembre 28 sa Filinvest City Events Grounds.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats) on

"Matagal na namin 'to pinag-uusapan. Nagsimula 'to tuwing nagpupunta ako sa mga music festival abroad, lagi akong excited 'pag nagkukuwento ako sa sa kanila with my experiences, and na-inspire din sila na makagawa din nga tayo din tayo sa Philippines, and ito na nga nasimulan na namin," ani Angelica sa panayam.

Dahil sa muling pagsigla ng OPM, hindi nagdalawang isip ang grupo ni Angelica na ituloy ang kanilang unang proyekto.

"Nakakatuwa kasi makikita na ulit 'yung mga OPM artist natin na nakakatuwa kasi, mainit na ulit sila ngayon. arami na ang mga Pilipino na sumusuporta sa OPM," aniya.

Kabilang sa mga OPM bands na magpe-perform sa Hueniverse Music Festival ang Autotelic, Ransom Collective, Spongecola at Agsunta.

Ayon pa sa aktres, ibang fulfillment rin ang kanyang naramdaman sa kanilang sinisimulan na proyekto.

"Something different. Lahat naman siguro kasi (minsan) nakaka-depressed na artista na lang ba ako habang buhay ko, wala na ba akong ibang kayang gawin? Lilimitahan ko na lang ba ang sarili ko? Kaya very fulfilling na may iba pa akong kapasidad and i-explore ang sarili ko sa ibang mga areas pa na hindi naman din malayo sa acting na halos na nasa isang industry pa din naman," paliwanag ni Angelica.

Abala man sa kanyang trabaho bilang isang aktres, nagpapasalamat din si Angelica sa mga kasamahang producer sa pag=intinidi sa kani-kanilang mga trabaho.

"Very understanding naman sa akin sina John. Like now, ang priority ay ang pagaartista, and online, nagbibigay naman kami ng input and hindi naman din kami nagpapahuli sa mga chat, and talagang updated kami kahit na hindi kami madalas na present sa mga meeting," dagdag pa ng aktres.

Bukos sa pag-produce ng concert, nasa plano din daw ni Angelica ang mag-produce ng isang pelikula.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.