PatrolPH

Diego Loyzaga, hirap nga bang kontrolin ang galit?

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 04:34 PM | Updated as of Sep 09 2018 05:41 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga) on

Inamin ng aktor na si Diego Loyzaga na pakiramdam niya na siya ay "misunderstood" o hindi nauunawaan ng ibang tao sa gitna ng mga usaping mayroon siyang "anger issues" at hirap siyang kontrolin ang kaniyang galit.

Sa panayam ng programang "Tonight With Boy Abunda" noong Biyernes, sinabi ni Loyzaga na normal sa mga tao na makaramdam ng galit at kapag nararamdaman niya ito ay hindi naman "beyond the normal" o sumosobra sa normal na pakiramdam.

Watch more on iWantTFC

"If there is an action, there will always be a reaction. If there is something that got me angry, there's a reason why," paliwanag ng 23 anyos na aktor.

("Kapag may nangyari, palaging may reaksiyon. Kapag may bagay na nakapagpagalit sa akin, may dahilan iyon kung bakit.")

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga) on

Ayon kay Loyzaga, iba-iba ang pagtingin ng mga tao sa mga kilos ng mga kagaya niyang sikat na personalidad kaya mas madaling nahuhusgahan ng iba ang mga ito.

"If you get mad, it can be looked at in so many different ways. It can be judged kaagad, it can be super negative kaagad and we're in that position where we can't always defend ourselves," ani Loyzaga.

("Kapag nagalit ka, puwede siyang tingnan sa iba-ibang paraan. Puwede kang mahusgahan agad, puwedeng maging negatibo agad at wala tayo lagi sa posisyon para ipagtanggol ang mga sarili natin.")

Magugunitang noong Hunyo ay nasangkot sa isa umanong away-kalsada si Loyzaga matapos umanong mang-away ng isang Grab driver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.