Dating child star, umaasang makakabalik sa pag-aartista

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 10:21 PM | Updated as of Sep 09 2018 10:29 PM

Isa si Rhed Bustamante sa mga hinahangaang batang aktress dahil sa kaniyang talento sa pag-arte.

Kilala siya sa mga papel na kaniyang ginampanan sa mga pelikulang "Seklusyon" at "Maria Leonora Teresa."

Sa kasamaang palad, hindi nagtuloy-tuloy ang pagdating ng mga proyekto para sa kaniya. 

Dahil dito, napilitan ang pamilya ni Rhed na maghanap ng mas murang bahay na uupahan.

Kasalukuyang nagtitinda sa gilid ng riles sa Sampaloc, Manila si Rhed kasama ang kaniyang ina.

Hangad niyang muling makabalik sa pag-aartista para makatulong sa pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.