Ano ang birthday gift ni Lucy Torres-Gomez para kay Juliana?

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2018 05:07 PM

MAYNILA -- Noon pa man ay ayaw ni Juliana Gomez na ipagdiwang ang kanyang debut sa isang pormal na party.

"She just want to have a party, nothing grand. Ang pinaka-sinabi lang niya ay she just want to have fun with her friends, nothing too formal, chill lang," sabi ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa press sa Pinya Festival sa Ormoc, City Leyte, tatlong buwan bago ang naging 18th birthday party ni Juliana nitong Sabado.

Aniya, bilang isang ina hindi niya pipigilan ang naging desisyon ng anak sa naging gusto nito na sariling konsepto ng debut.

"Sa generation nila e, sometimes it's too stiff na in a gown and they have to practice and all. Gusto lang niya ng chill, and I just wanna respect her wishes. Kasi sometimes parents forget it's the birthday of their daughter and the birthday celebrant should be able to have it the way she wants it," ani Lucy.

Pagdating naman sa pagbibigay ng espesyal na regalo, hindi daw naging issue para sa kongresista ang mga ito.

"I never felt that any occasion had to be marked with a material present, because loving your child and wanting the best thing for her is an everyday thing. It's not quantified in one single event na lahat ng pagmamahal mo ay ibubuhos mo in one material gift," paliwanag niya. 

Ayon pa kay Lucy, nabusog na sa pangaral ang kanilang anak kaya tanging pagmamahal na lang ang kanyang regalo dito.

"I just want her to be the person that God has assigned her to be. I always tell her na 'Juliana, you have to that person that God wants you to be and the work you must do now, is to find out what that is," paliwanag pa niya.

At ngayong 18 na si Juliana at magsisimula na rin sa kolehiyo, hinayaan na daw nila ng kanyang asawa na si Richard Gomez ang mga desisyon nito.

"I don't impose kasi lahat tayo iba-iba ng gifts e," pahayag pa ni Lucy.