Melai, magbibigay ng updates online sa Ms. Barkadahan 2018

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2018 04:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa mga kababayan sa Hong Kong, may bagong aabangan online dahil makakasama si Melai Cantiveros sa pagbibigay-update sa pinakamalaking beauty pageant sa OFW sa Hong Kong, ang Ms. Barkadahan 2018.

Tuwing Biyernes, makakasama si Melai sa Ms. Barkadahan chikahan. Kailangan lang magtungo sa missbarkadahan.mytfc.com.

Ang Ms. Barkadahan ay isa sa pinakamalaking beauty pageant para sa mga Kapamilya na Pinay OFWs sa Hong Kong.

Nakapili na sila ng Top 12 candidates, at si Melai ang magbibigay-update sa paghahanda at pagsasanay ng mga kandidata.

May pasabog pang pageant tips si Melai sa Ms. Barkadahan chikahan sa TFC Hong Kong sa Facebook at YouTube.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.