Karla Estrada, nag-alok ng tulong para kay 'TNT' grand finalist Violeta Bayawa

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2019 11:45 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nag-alok ng tulong si Karla Estrada para sa "Tawag ng Tanghalan" grand finalist na si Violeta Bayawa.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, muling binalikan ng 70-anyos na mang-aawit ang naging makulay niyang pag-ibig at pagkabigo sa kanyang asawang si Zacharias "Ga" Bayawa.

Pag-amin ni Violeta, nais niyang mapanood ng kanyang mister ang huling laban niya sa TNT.

"Sana po ay manood siya," ani Violeta.

Para tuparin ang kanyang hiling, nag-alok ng tulong ang "Magandang Buhay" host at TNT hurado na si Karla Estrada.

"Kung nasa sa Zamboanga po kayo at interesado kayong manood ay papadalhan namin kayo ng ticket. Papadalhan ko po kayo ng ticket. Papadalhan ko kayo Lolo Zacharias ng ticket kung gusto niyong manood, plus one," ani Karla.

"Nanay, ako ang bahala sa ticket ni Ga para mapanood ka lang niya. Tutal naroon din kami bilang mga hurado ni momshie (Jolina Magdangal)," dagdag ni Karla.

Isang pasasalamat naman ang sukli ni Violeta sa alok ni Karla.

Nito lamang Sabado sa "It's Showtime," sa isang video message ay muling nakita ni Violeta ang mister makalipas ang higit limang dekada.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.