Hirit ni Dimples: Vice Ganda mag-cameo sa 'Kadenang Ginto'

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2019 08:33 PM | Updated as of Sep 05 2019 09:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pagkatapos nina Bea Alonzo at Angel Locsin, ibinunyag ni Dimples Romana kung sino ang artistang inihirit niyang mag-cameo sa hit seryeng "Kadenang Ginto."

Ayon kay Romana, ito ay ang komedyante at "It's Showtime" host na si Vice Ganda, na kasama niya sa isang pelikulang isasabak sa 2019 Metro Manila Film Festival.

"Sabi ko si Vice, sabi ni Vice baka daw pumunta siya, magpapasampal siya kay Daniela [Mondragon]," ani Romana, na tinutukoy ang kaniyang karakter sa serye.

Nagpasalamat din si Romana matapos bansagang "Reyna ng Daytime Teleserye."

"It's very humbling and at the same time, very empowering and inspiring," ani Romana.

"Natutuwa nga ako dahil siguro alam ko rin naman na lahat ng ginagawa natin, pinagtatrabahuhan nating maigi."

Samantala, bibida naman sa suspense-thriller ng iWant sina "Kadenang Ginto" stars Beauty Gonzales at Seth Fedelin.

Malayo sa karakter na Romina Mondragon ng serye, gagampanan ni Gonzales sa pelikulang "Abandoned" ang papel ng isang night-shift security guard sa isang abandonadong gusali.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.