Jolo Revilla, willing makatrabaho ang ex na si Jodi

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2018 04:49 PM | Updated as of Sep 05 2018 09:33 PM

Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Mga retrato mula sa Instagram page nina Revilla at Sta. Maria.

MAYNILA -- Inihayag ni Jolo Revilla na bukas siyang makasama sa proyekto ang dating nobyang si "Sana Dalawa Ang Puso" star Jodi Sta. Maria.​

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa press conference noong Martes para sa kanyang comeback movie na "Tres," hindi nakaligtas ang actor-politician sa mga tanong ukol kay Sta. Maria.

"Oo naman, why not?" sagot ni Revilla nang tanungin kung willing ba siyang maksama sa trabaho ang ex.

Sa katanuyan, ani Revilla, isa si Sta. Maria sa mga na-consider na maging leading lady niya sa "Tres."

"Actually, siya 'yong first option," ani Revilla. "It was just her schedule."

 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Kinumpirma ni Revilla noong Hulyo ang hiwalayan nila ni Sta. Maria.

Naging mailap naman si Revilla nang tanungin kung nagkabalikan na nga ba sila ni Sta. Maria.

"Balato niyo na lang sa'kin 'yon," aniya.

Unang ibinunyag nina Revilla at Sta. Maria ang kanilang relasyon noong 2012. Naghiwalay sila makalipas ang apat na taon pero kalaunan ay nagkaayos din.

 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Nakiusap din si Revilla na huwag siyang i-link sa "Tres" leading lady na si Rhian Ramos at sa katambal niya sa "FJP's Ang Probinsyano" na si Ryza Cenon.

BAWAS-TIMBANG

Ipinagmalaki rin ni Revilla ang nakamit niyang tagumpay sa kalusugan matapos makapagbawas ng timbang.

"I was 217 pounds then, that was my biggest so I really need to lose weight," ani Revilla.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuwento ni Revilla, tatlong buwan siyang nagpursigi sa pamamagitan ng keto diet at page-ehersisyo.

"Ginawa ko lang siya talaga dahil nararamdaman ko na kailangan ko na talaga. Health reasons," aniya.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.