PatrolPH

Ngayong annulled na, Daryl Ong, handa na bang magpakasal muli?

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 03:27 PM | Updated as of Sep 04 2019 07:03 PM

MAYNILA -- Masayang ibinalita ng singer na si Daryl Ong na napawalang bisa na ang kanyang kasal sa kaniyang dating asawa.

Ito ang isa sa mga naging pag-amin ng Kapamilya singer sa press sa naganap na "BND" concert press conference kasama si Bugoy Drillon.

"Yes, annulled na," ani Daryl sa mga reporter.

Kuwento pa ng singer, ito rin daw ang dahilan ng kaniyang paglilihim noon sa kanyang relasyon sa "Idol Philippines" contestant na si Dea Formilleza.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 데야 ✨ (@deaformilleza) on

"Tapos na 'yung kaso ko. Dati kasi kasal ako eh, so hindi ko pwede sabihin na may girlfriend ako. Siyempre kawawa 'yung girlfriend ko kung sino man siya noong mga panahon na 'yun. So ngayon I'm free as a bird, and my bird is free," patuloy ni Daryl.

Dito, inamin rin ng singer na maayos na sila ngayon ng dating asawa at malaya na rin niyang nakakausap ang kanilang isang anak na 11-taong gulang na ngayon.

"Nasa States siya ngayon with his mom," aniya.

At kung tatanungin naman kung handa na ba siya na magpakasal muli, ayon kay Daryl: "Ipon muna. Kasi 'yung mom ko may medical condition din ngayon, so mas gusto ko muna maging financially stable para sa family ko. Pero kung tatanungin ang pag-settle down, tingnan natin kung ano ang mangyayari sa mga susunod na kabanata," pahayag pa niya.

Sa ngayon, abala si Daryl para sa "BND" concert kasama si Bugoy na gagawin sa Setyembre 14 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.