PatrolPH

Mahal na-cremate na, burol itinakda

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2021 09:48 AM | Updated as of Sep 03 2021 11:06 AM

MAYNILA -- Nagsimula na ngayong Biyernes ang lamay para sa mga labi ng komedyanteng si Mahal.

Matapos ang kanyang cremation sa Batangas, dinala ng pamilya ni Mahal ang kanyang urn sa Cosmopolitan Chapel ng Santuario de San Vicente de Paul and Shrine sa Tandang Sora Avenue, Quezon City para sa dalawang gabing burol.

Namatay si Mahal noong Agosto 31 sa isang ospital sa Batangas sanhi ng komplikasyon ng COVID-19.

Urn ni Mahal. Courtesy: Tesorero Family
Urn ni Mahal. Courtesy: Tesorero Family

Ayon sa pamilya, mahipit nilang susundin ang safety protocols sa burol, tulad ng limitadong bilang ng mga taong papapasukin sa loob ng chapel.

“Salamat po sa pagsubaybay sa kapatid ko. Taos-puso at walang hanggang pasasalamat po sa inyong lahat dahil hanggang sa huli, hindi ninyo siya kinalimutan," pahayag ni Irene Tesorero, kapatid ni Mahal.

Nagpasalamat ang kapatid ni Mahal sa lahat nang nakiisa sa kanilang dalamhati.

Hanggang sa huli daw anila, hindi nakalimutan ng publiko si Mahal.

Ihahayag pa ng pamilya ni Mahal ang pinal na desisyon sa libing. 

Related video:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.