PANOORIN: Arci Muñoz nagbalik bilang Star Patroller

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2019 08:21 PM | Updated as of Sep 03 2019 08:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa kabila ng sunod-sunod na proyekto, muling sumalang ngayong Martes ang aktres na si Arci Muñoz sa paghahatid ng mga balitang showbiz sa programang "TV Patrol."

Si Muñoz ang nagpakilala ng mga ulat ukol sa pagbabala ni Anne Curtis laban sa pamimirata, mga concert nina Carlo Aquino at ng K-pop band na N.Flying, at pag-awit ni Lea Salonga sa theme song ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Bida si Muñoz, kasama si JC Santos, sa pelikulang "Open," na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Setyembre 13. 

Kabilang din si Muñoz sa cast ng seryeng "Pamilya Ko," na mapapanood sa Primetime Bida simula Setyembre 9.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.