Kapamilya stars umawit ng Christmas songs bilang pagsalubong sa 'ber' months

ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2019 01:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Natatangi ang mga Pinoy dahil sa matagal nilang pagdiriwang sa panahon ng Pasko, na nag-uumpisa pagpasok pa lamang ng "ber" months.

Kaya sa unang araw ng Setyembre ngayong Linggo, naghatid ng maagang pamasko ang Kapamilya stars sa programang "ASAP Natin 'To."

Inawit ng Kapamilya stars ang ilan sa mga popular na awitin tuwing Pasko at mga awiting may temang akma sa holiday gaya ng "Jingle Bells," "Christmas in our Hearts" ni Jose Mari Chan, "Sleigh Ride," at "Last Christmas" ng Wham.

Star-studded ang production number na nilahukan ng TNT Boys at nina Piolo Pasucal, Iñigo Pascual, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Ogie Alcasid, Jason Dy, Angeline Quinto, Kyla, Jona, Darren Espanto, Morissette Amon, at Regine Velasquez.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.