Julia, nagsalita sa pagkumpara sa 'JoshLia' at Rico-Claudine love teams

ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2017 04:07 PM

Masaya si Julia Barretto na itinuturing ng ilang fans ang kanilang tambalan ni Joshua Garcia na makabagong Rico Yan at Claudine Barretto.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, iginiit pa ni Julia na isa siyang tagahanga ng Rico-Claudine love team.

"Siyempre it's very flattering. Kasi iba din naman talaga yung love team nila," ani Julia. "At tsaka fan din naman talaga ako ng tita ko so siyempre I'm very flattered."

Sa ngayon ay masaya ang aktres sa takbo ng kanyang karera. Abala ngayon si Julia sa pag-promote ng pelikula nila ni Joshua na "Love You to the Stars and Back."

"I'm speechless pero more than anything, sobrang thankful ako kasi katulad nang sinabi ko dati na I'm really in a much better place than I was before," aniya. 

"And iba pala talaga kapag pinagtatrabahuan, ipinagdarasal mas nanamnam yung mga nangyayari, kapag humble ka lang, thankful ka lang, mas maganda talaga yung dumarating sa life."