Dennis Padilla, boto ba kay Joshua para sa anak na si Julia?

ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2017 10:55 AM

Photos from @dennisastig and @garciajoshuae on Instagram

Boto ba si Dennis Padilla kay Joshua Garcia para sa anak nito na si Julia Barretto?

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, hindi napigilan ni Julia na mapangiti sa tanong kung gusto ba ng kanyang ama si Joshua.

"Gustong-gusto niya, Tita, which is good," ani Julia sa isa sa hosts ng "Magandang Buhay" na si Karla Estrada.

"Nag-effort si Papa na mag-text sa akin na nagustuhan niya si Josh kasi napaka-respectful at mabuti," kuwento niya.

"Tapos tinext niya ako na next time naming magkita, gusto niya dalhin ko raw si Josh," dagdag ng aktres.

Hulyo nitong taon nang tanungin ni Dennis si Joshua kung nililigawan nito ang anak.

Unang nakilala ni Dennis si Joshua nang isama ang huli ni Julia sa pagdiriwang nila ng ama ng Father's Day. 

Bida sina Joshua at Julia sa pelikula ng Star Cinema na "Love You To The Stars And Back" na mapapanood na ngayon sa mga sinehan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.