‘Na-inlove ka na naman’: Ion sinorpresa si Vice sa kaniyang Channing Tatum haircut

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2021 09:42 PM | Updated as of Aug 31 2021 10:59 PM

Screenshot mula sa vlog ni Vice Ganda.
Screenshot mula sa vlog ni Vice Ganda.

‘Ang gwapo mo!’

Ito ang naging reaksyon ng komedyante at host na si Vice Ganda nang sorpresahin siya ng nobyong si Ion Perez sa bago nitong gupit na ala-Channing Tatum. 

Sa bagong vlog ng “It’s Showtime” host, excited itong umuwi sa kaniyang bahay matapos sabihan ni Perez na nagpagupit ito. 

“Excited na kong makita mukha ng jowa ko,” nagmamadaling sinabi ni Vice. 

Nang dumating sa bahay, nadatnan nitong nanonood ang boyfriend ngunit nakasuot ng hoodie jacket kaya hindi niya ito agad nakita ang itsura. 

Inisip pa ni Vice kung sinong Hollywood stars ang kamukha ng nobyo kagaya nina Brad Pitt, Tom Cruise at Justin Bieber. 

Sa huli, ang “Magic Mike” star na si Tatum pala ang ginaya ni Perez sa kaniyang new look. 

Watch more on iWantTFC

“O na-inlove ka na naman?” pang-aasar ni Perez kay Vice. 

Sa sobrang tuwa, naglambing pa si Perez kay Vice at humingi ng halik sa partner. 

“Gwapo ng asawa ko, no?” natutuwang tanong ng komedyante sa kaniyang mga subscriber.

Unang kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2019 matapos ang kanilang "Magpasikat" performance sa Showtime. 

 Related videos:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC