Nagkabalikan? Mccoy de Leon at Elisse Joson, trending

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2020 01:02 PM

MAYNILA -- Nabuhayan ng loob ang mga tagahanga nina Mccoy de Leon at Elisse Joson sa pinakabagong post ng aktor sa kanyang Instagram.

Nitong Lunes, isang retrato kung saan kitang hinahalikan ni Mccoy sa noo si Elisse ang ibinahagi ng aktor. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon) on

"Always all ways," ani Mccoy sa caption.

Dahil sa nasabing retrato, hindi naitago ng mga kaibigan sa showbiz at mga tagahanga ng tambalan nila ang kilig.

Ilan sa mga nagpaabot ng kanilang kasiyahan para sa dalawa ay sina Maymay Entrata, Dimples Romana, Mylene Dizon at DJ Chacha.

Ipinakita naman ng McLisse fans ang kanilang suporta at pagmamahal sa mga idolo nang mag-trend ngayong Lunes ng umaga ang #HappyForYou MCLISSE sa Twitter.

Noong nakaraang Miyerkoles, Agosto 26, ay ipinakita ni Mccoy ang kanyang suporta kay Elisse nang i-post nito sa Instagram ang teaser ng pinakabagong awitin ng aktres na "Halika Na."

Taong 2016 nang mabuo ang tambalan nina Mccoy at Elisse sa loob ng Bahay ni Kuya.

Noong Marso 2018, inamin ni Elisse na may pinagdadaanan sila ni Mccoy. At noong nakaraang taon, sinabi ni Elisse na labis siyang nasaktan sa nangyari sa relasyon nila ni Mccoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.