Sharon, iniyakan dati ang French boyfriend ni KC

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2018 10:20 PM | Updated as of Sep 04 2018 09:48 PM

 

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

Dati nang iniyakan ni Sharon Cuneta si Pierre-Emmanuel Plassart—ang kasalukuyang nobyo ng kaniyang anak na si KC Concepcion—kuwento ng beteranong aktres nitong Biyernes.

Ayon kay Cuneta, dati nang may ugnayan sina Concepcion at Plassart, isang French filmmaker. Nang matigil umano ito, nalungkot si Cuneta dahil boto pa naman daw talaga siya sa binata para sa anak.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Ang problem kasi, nila-love ko 'yong mga naging boyfriend niya. Tapos 'pag nag-split, ako 'yong nasasaktan," sabi ni Cuneta sa press conference para sa kaniyang 40th anniversary concert.

"After a while, tumigil na ako. 'Parang huwag na, buhay na niya 'yon, malaki na siya.' But when she and Pierre first stopped seeing each other, I cried because my mother and I really fell in love with the boy," ani Cuneta.

 

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

Tumanggi naman si Cuneta na ibahagi kung paano "nag-reconnect" sina Concepcion at Plassart.

Nitong buwan lang isinapubliko ni Concepcion sa pamamagitan ng social media ang kanilang relasyon ni Plassart.

Dagdag pa ni Cuneta, malapit sa kanilang pamilya si Plassart. Sa katunayan, nakasama pa nila itong magbakasyon sa Japan at Thailand.

Watch more in iWant or TFC.tv

"He's so open to our culture, has always been a gentleman. A true gentleman, hindi 'yong put on lang. Very soft-spoken, very intelligent," paglalarawan ni Cuneta.

"Basta nirerespeto, inaalagaan, at sobrang mahal ang anak ko. At importante mahal ng anak ko. I will support. Basta this one has my full approval," ani Cuneta.

--Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.