Yam Concecpion, bida sa pelikulang 'Night Shift'

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2019 11:53 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Bida sa pelikulang "Night Shift" ang aktres na si Yam Concepcion.

Sa mga retrato na ibinahagi ng direktor ng pelikula na si Yam Laranas, kita ang ilang eksena sa pelikula na tila kinunan sa morge.

Makakasama ni Yam sa nasabing pelikula sina Michael de Mesa, Ryza Cenon at iba.

Bago ang nasabing pelikula, naging abala si Yam bilang parte ng seryeng "Halik" na nagtapos nito lamang Abril.


-- Umagang Kay Ganda, Agosto 30, 2019