Ryza Cenon, ibinahagi ang kulitan sa set ng 'The General's Daughter'

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2019 05:03 PM | Updated as of Aug 30 2019 05:18 PM

MANILA -- Ibinahagi ng aktres na si Ryza Cenon ang kulitan sa set ng sikat na Kapamilya serye na "The General's Daughter" na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Sa Instagram posts ni Ryza, ibinahagi nito ang mga retrato ng kulitan nila ng ilan sa kanyang co-stars na sina Eula Valdez, Tirso Cruz III at Janice de Belen.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Sa isa pang post, kita ang tahimik na pakikipag-dance showdown ni Ryza kay Eula habang naghihintay para sa susunod nilang eksena.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Ibinahagi rin ni Ryza ang video ng paglalaro nila ng Trip to Jerusalem ng kanyang mga kasamahang bituin.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on


 
"Trip to TGD!!! Napaghahalata kung sino mga madaya yung naghilahan ng upuan. #boredkami #tengga #magugulangsila #walangpalag #larongtagalabas #mgatagalabas," ani Ryza sa caption.

Mapapanood ang "The General's Daughter" mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."