'Idol PH' Zephanie, excited na para sa ABS-CBN Ball 2019

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2019 11:44 AM

MANILA -- Hindi maitago ng kampeon ng "Idol Philippines" na si Zephanie Dimaranan ang saya sa pagdalo niya sa kauna-unahang pagkakataon sa ABS-CBN Ball.

Sa Instagram, ibinahagi ni Zephanie sa kanyang mga tagahanga na natanggap na niya ang imbitasyon para sa pinakamalaking pagtitipon ng mga bituin ng Kapamilya network.

Sa caption, binigyang diin ni Zephanie na ang kasiyahan ay dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makatulong sa mga batang nangangailangan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zephanie (@zephdimaranan) on

"Got my invitation for this year's ABS-CBN Ball Excited na po ako dahil ito din po ay para sa edukasyon ng ating Bantay Bata children," ani Zephanie.
 
Sa Bantay Edukasyon Scholarship Program ng Bantay Bata 163, gagamitin ang pondong malilikom mula sa nasabing pagtitipon.

Magaganap ang ABS-CBN Ball 2019 ngayong Setyembre 14.