PatrolPH

Myrtle Sarrosa, may bagong karelasyon?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2018 11:58 AM | Updated as of Aug 30 2018 02:46 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Bigay-todo sa pagpe-perform si Myrtle Sarrosa sa isang mall show sa Alabang at bahagi ng kanyang pagiging masaya ngayon ang pagkakaroon muli ng bagong inspirasyon na pigil na ikinuwento ni Myrtle dahil sa personal niyang dahilan.

"Inspired ako pero ayoko pag-usapan kasi malas kapag sinasabi ko sa interview," ani Myrtle tungkol sa bagong karelasyon na hindi taga-showbiz. "Parang complicated kasi masyado kung taga-showbiz when you enter in a relationship."
 
Sa pelikula, bibida bilang superhero si Myrtle sa “Wander Bra” kung saan kakaiba ang kanyang powers.

"Surprise kasi iyung mga powers niya pero nahuhugot niya ang mga powers niya mula sa isang mysterious na magical na bra. So, kapag sinusuot ko ang bra na 'yun nagkaka-powers ako," ani Myrtle.

Suwerte ang taong 2018 kay Myrtle dahil sunod-sunod ang dating ng mga projects sa kanya.

"Grateful po talaga na makapag-play ng character ng isang superhero. So, dream come true ito para sa akin. Kasi ang dami ng movies ko ngayon sobrang grateful ako for 2018," ani Myrtle.

Plano ipalabas ang “Wander Bra” ngayong September.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.