Paulo Avelino, tinanong kung siya ba ay 'chickboy'

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2018 12:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sinagot ng aktor na si Paulo Avelino ang tanong kung nakaka-relate ba siya sa kanyang karakter bilang si Gregorio "Goyo" del Pilar sa inaabangang pelikula na "Goyo: Ang Batang Heneral."

Sa nakaraang press conference, ibinahagi ni Paulo na isa sa haka-haka tungkol kay Goyo ay ang pagiging isang "chickboy" na malapit sa mga babae.

Nang matanong si Paulo kung nakaka-relate ba siya kay Goyo pagdating si 'di umano ay pagiging "chickboy" nito, sagot ng aktor: "Yun nga 'yung hindi ako maka-relate na part eh. Totoo."

"So kinailangan kong magbasa ng maraming libro, kinailangan kong sumama kay Jake Cuenca, para makita kung ano ang ginagawa niya. Joke lang! Joke lang!"

Nang matanong naman kung siya ba ay loyal, sagot ng aktor: "Always loyal." 

Samantala, naging bukas rin si Paulo sa pagsagot sa tanong kung siya ba ay naloko na o nagoyo na? 

"Maraming beses na akong nagoyo sa pera. Sa pag-ibig nagoyo rin pero bata-bata pa naman tayo. Natututo naman tayo. Matagal na ang pangyayari," ani Paulo.
 
Sa direksyon ni Jerrold Tarog, bibida si Paulo sa historical movie na "Goyo: Ang Batang Heneral" na ipapalabas na sa Setyembre 5.