PatrolPH

Mystica, may panawagan kay Coco para makasali sa 'Probinsyano'

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2018 03:54 PM | Updated as of Aug 29 2018 09:00 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Humihingi ng tulong ang tinaguriang '90s “Split Queen” na si Mystica sa “Ang Probinsyano” lead star na si Coco Martin.

Kamakailan, naging viral ang panawagan ni Mystica, o Ruby Villanueva sa tunay na buhay, kung saan humihingi siya ng tulong na mabigyan ng pagkakataong malabalik sa showbiz.

 

Sa ekslusibong panayam ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News sa tahanan ni Mystica sa General Trias, Cavite, muling humingi ng tulong si Mystica kay Martin na tumatayong creative director ng Kapamilya series.

“Matagal ko na po gustong lumapit dahil alam ko pong matulungin si Coco Martin e, kaso nahihiya po ako,” pahayag ni Mystica sa ABS-CBN News.

“Pagkatapos ko po kasing kutyain ng mga tao after the Duterte viral video, ayaw ko na po na umaga, tanghali, gabi na puro negative comments na naman, which is ganun na po ang nangyayari ngayon, magmula nang mag-post ako ng tulong sa Facebook,” ani Mystica.

Ayon pa sa dating sexy performer, hindi na importante sa kanya ngayon ang sasabihin pa ng ibang tao.

Watch more on iWantTFC

“Hindi na po importante kung ano 'yung mga negative comments ng tao sa akin dahil ang kailangan ko na lang po ngayon ay ‘yung ipakita na hangga’t nabubuhay po ako, hangga’t kaya ko pang bumalik sa showbiz,” sabi pa niya.

Gaya ng ibang personalidad na sina Whitney Tyson at CJ Ramos na nabigyan ni Coco ng trabaho, hiling din ni Mystica na mabigyan din siya ng nito ng pagkakataon.

“Sana naman po ay bigyan ako ng pagkakataon, kasi 'yun na lang po ang natatanging kayamana ko, 'yung talent ko,” emosyonal na pahayag ni Mystica.

Sa ngayon aminadong kapos na sa buhay ang dating sexy performer at tanging sa pagtitinda na lamang ng fried chicken kumukuha ng pang araw-araw na gastusin.

 

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

Huling napanood si Mystica sa isang charity program noong 2010 na “Sagip Sa Masa.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.