Ogie Alcasid, suportado ang love life ng anak na si Leila

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2019 03:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nauunawaan at suportado ni Ogie Alcasid ang buhay pag-ibig ng anak niyang si Leila Alcasid.

Sa nakaraang pagbisita ni Ogie sa "Magandang Buhay," naikuwento ni Ogie ang pagdiriwang ni Leila at nobyo nito na si Mito Fabie, o mas kilala bilang ang rapper na si Curtismith, ng kanilang unang anibersaryo sa Taiwan.

"Madaming beses na rin (nag-meet). Gusto ko kasi nakikilala niya kami at nakilala namin siya. Nakikilala niya 'yung magulang ko. At nagpapakita naman siya. Noong Pasko una niyang pagkakataon na makilala niya kaming lahat, pati si Michelle," ani Ogie.

Si Leila ay anak ni Ogie sa dating asawa nito na si Michelle van Eimeren.

"Actually one year anniversary na nila ngayong August. Kasi nagpaalam. Nagpunta sa ibang bansa. Nagpunta sila sa Taiwan," ani Ogie.

"Sabi ko kasi sa kanya, 'Alam mo anak habang bata ka maganda na makapag-travel ka kasi marami kang matutunan.' At ini-encourage ko siya na maging adult kasi hindi na siya bata. So lahat ng responsibilidad na sana ay magamapanan niya at gawin na niya. Tulad nang pagbabayad ng bills, may sarili siyang checkbook, hindi puwedeng ako lahat," ani Ogie.

"Sinasabi ko sa kanya, alam mo na ang tama at mali. Kasi 22 pa lang siya, but kung magkamali ka sige magkamali ka, para matuto ka rin," dagdag ni Ogie.