MANILA -- Pinirmahan ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang mga Darna Funko Pop.
Sa isang Instagram post ni Patricia Co, kitang masayang kumakanta si Angel habang pinipirmahan ang mga laruan.
Nakilala si Angel sa naging paglipad niya bilang Darna sa telebisyon noong 2005.
Si Jane de Leon naman ang napili bilang susunod na Darna para sa inaabangang pelikula ng Star Cinema.
--- Umagang Kay Ganda, Agosto 28, 2019
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.