Xian, todo suporta kay Kim sa Star Magic All Star Games

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 11:22 AM | Updated as of Aug 26 2019 03:38 PM

Kim Chiu and Xian Lim after the volleyball match for the Star Magic All Star Games held at the Araneta Coliseum. George Calvelo, ABS-CBN News

MANILA -- Dahil sa labis na kasiyahan, hindi napigilan ni Kim Chiu ang mapatakbo, mapatalon at magpakarga sa nobyong si Xian Lim matapos manalo ang grupo niya sa volleyball sa naganap na All-Star Games 2019 sa Araneta Coliseum nitong Linggo.

Sa social media, naglabasan ang mga retrato at video nina Kim at Xian na kinagiliwan ng kanilang mga tagahanga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @keepinmind_kimxi_ on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jai ❤ (@fangirl_jai) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @keepinmind_kimxi_ on


 
Sa iskor na 23-21, natalo ng Red Team ni Kim ang kalabang grupo na pinangungunahan ni Julia Barretto.

Kabilang din sa grupo ni Kim sina Eya Laure, Dalia Varde, Gillian Vicencio, Yasmyne Suarez, Chienna Filomeno, Vivoree Esclito, Analain Lim, Nikki Valdez at Jia Morado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.