Ogie Alcasid, 'malaking blessing' sa buhay ni Vice Ganda

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 04:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang malaking blessing sa buhay ni Vice Ganda ang singer-composer na si Ogie Alcasid.

Sa 'Magandang Buhay" nitong Lunes, sa isang video message para sa kaarawan ni Ogie, ibinahagi ni Vice kung ano ang halaga ni Ogie sa kanyang buhay. 

"Sa buhay ko malaking-malaking blessing sa akin si Ogie Alcasid kasi nagkaroon ako ng panibagong matalik na kaibigan. Nagkaroon ako ng panibagong pamilya, kuya na hindi ako nahihiyang mag-share sa kanya. Lahat ng pinaka-personal na isyu ng buhay ko ay pinagkakatiwalaan ko siya at sinusuportahan niya ako," ani Vice.

"At sa kanya ko naririnig ang mga sagot sa mga tanong ko na matagal ko nang hinahanap. Ang laking bahagi ng buhay ko ang umayos at nagkaroon ng kapayapaan mula nang maging kaibigan ko si Ogie Alcasid at asawa niyang si Regine Velasquez," dagdag ni Vice na aminadong isang masugid na tagahanga ni Regine.

Maliban kay Vice Ganda, binati rin nina Nyoy Volante, Dingdong Avanzado, K Brosas at Dulce si Ogie na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Martes, Agosto 27. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.