Maymay Entrata, vlogger na rin

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 11:19 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pinasok na rin ni Maymay Entrata ang vlogging.

Nito lamang Agosto 23 ay inilabas ni Maymay ang kanyang kauna-unahang vlog kasama ang kanyang love team partner na si Edward Barber.
 
At para sa kanyang unang pagsabak sa vlogging, isang "question and answer" ang ginawa ni Maymay kasama si Edward.

"Gaya ng pangako namin sa inyo ay nag-tweet ako sa inyo na mag-send kayo ng random questions at ngayon ay sasagutin namin ang mga katanungan kaso pili lang. Kasi halos lahat ng tanong niyo kasal, kasal, kasal. Hindi namin kami ikakasal. Diyos ko Lord! Kasi bawal pa bata pa kami, siyempre," ani Maymay, ang "Pinoy Big Brother: Lucky 7" big winner.

Kinunan ang unang vlog ni Maymay sa Japan.

Sa ngayon ay higit sa 160,000 subscribers na ang YouTube page ni Maymay na "Happy Maymay."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.