'Isigaw Mo' #GalingNatinIto music video, inilabas

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 03:13 PM

MANILA -- Para sa selebrasyon ng Araw ng mga Pambansang Bayani o National Heroes Day, inilabas ng ABS-CBN nitong Lunes ang music video ng "Isigaw Mo" sa "It's Showtime" na inawit ng ilan sa mga kilalang Kapamilya artists.

Ipinapakita ng "Isigaw Mo" ang puso, talino at lakas ng mga Pilipino para magtagumpay para sa pamilya at bayan. 
 
"Ngayon ay National Heroes Day, ginugunita ang giting at tapang ng mga bayaning Pilipino na lumaban sa bayan. Pero ang kabayanihan ay hindi nagtatapos doon," ani Anne Curtis.

"Dahil hanggang sa ngayon ay maraming Pilipino pa rin ang matatawag nating bayani. At narito ang isang pagpupugay sa mga bayaning buong lakas at tapang na humaharap sa buhay para sa pamilya at para sa bayan," dagdag naman ni Vhong Navarro.

Ang "Isigaw Mo" ay sinulat nina Jerome Clavio, Jan Dormyl Espinosa, Tiny Corpuz, Gloc-9 at Shanti Dope, habang ang musika naman ay likha ni Thyro Alfaro, 

Narito ang Isigaw Mo #GalingNatinIto. 

Watch more in iWant or TFC.tv