'Ang sarap magkuwento': KathNiel, nag-open up sa pagbunyag ng status

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2018 08:02 PM | Updated as of Aug 26 2018 09:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang ilang taong paghihintay ay umamin na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi lamang sa TV o pelikula ang kanilang ibigan. 

Kaya naman anila, tila nabunutan sila ng tinik sa leeg matapos nilang ibunyag na 5 taon na silang magkarelasyon. 

"Ang sarap magkuwento, ang sarap na wala nang pinapaikot na sinasabi," ani Bernardo. 

Aminado ang dalawa na nahirapan silang umarte sa upcoming movie na "The Hows of Us" bunsod ng mabibigat at mas malapit sa realidad na eksena. 

"Walang shooting day na madali," ani Padilla. 

Ipapalabas ang "The Hows of Us" sa Agosto 29. 

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.