Vivian Velez, hiling ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 02:11 PM

MAYNILA -- "We love you, Loydie. Come back soon!" 

Ito naging panawagan ng beteranang aktres na si Vivian Velez sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa Instagram ng aktres, ibahinahagi niya ang kanilang lumang litrato.

"We miss this sweet guy. We love you, Loydie. Come back soon!" bahagi ng post ni Vivian

Matatandaan na bahagi si Vivian ng Kapamilya series na "Immortal" kung saan nakasama niya sina John Lloyd at Angel Locsin.

Sa ngayon, inaabangan pa rin ang pagbabalik-showbiz ng aktor na hanggang ngayon ay naka-leave pa rin sa showbiz dalawang taon na ang nakalipas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.