Gretchen Barretto, nagbalik-tanaw sa kabutihan ni Mother Lily

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 03:43 PM

MAYNILA -- Kasunod ng ika-81 birthday ng movie producer na si Lily Monteverde ng Regal Films, isang special birthday celebration naman ang ibinigay ni Gretchen Barretto para sa itinuturing niyang pangalawang ina sa showbiz.

Sa Instagram, nagbalik-tanaw si Gretchen sa malaking tulong na ibinigay sa kanya ni Mother Lily na unang nagbigay sa kanya ng break bilang isang artista.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

"We celebrated our dear Mother Lily's birthday yesterday over lunch and had a lovely bonding date with her. Grateful to the lady who gave me my first big job at age 13," ani Gretchen.

Ang "14 Going Steady" ang naging launching movie ni Gretchen sa Regal Films kung saan nakasama niya sina Nadia Montenegro at Janice de Belen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.