Gina Lopez, inalala sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 03:43 PM

MAYNILA -- Kasunod ng pagpanaw ng dating Environment Secretary na si Gina Lopez, isang paggunita ang ibinigay ng "ASAP Natin 'To" para sa kanyang naging kabutihan.

Kasama ang TNT Boys at ilan pang mga Kapamilya child star, inawit nila ang "You Are my Sunshine" bilang pag-aalala sa masaya at makabuklahan na buhay ni Gina Lopez.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.