Unang serye ni Arci, Echo may bagong titulo

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2016 11:20 AM

Abala ngayon ang sexy actress na si Arci Muñoz sa taping ng kanyang teleseryeng "Never Ever Say Goodbye" na ngayon ay may titulo ng "Magpahanggang Wakas."

Kasama dito ni Arci sila Jericho Rosales, Gelli de Belen at John Estrada na award-winning performers.

Aminado si Arci na kina-career niya ang bawat eksena.

"Mahuhusay ang mga kasama ko! Sila Jericho, lahat, lahat mahuhusay. Sila Kuya John, lahat, sila Ate Gelli. Kaya napi-pressure ako na mas paghusayan pa dahil nakakahiya kung magti-take two dahil sa akin," ani Arci.

Ito ang unang pakikipag-trabaho ni Arci kay Jericho na pinakamalapit sa kanya set ng kanilang serye.

"Sobrang ka close ko 'yun para ko kapatid si Echo. Kalaro ko 'yun, kaya kunwari kapag magkahiwalay kami ng taping may mga eksenang wala siya, malungkot," ani Arci.

Kasali rin si Arci sa pelikulang "Camp Sawi" na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Sa personal niyang buhay na masaya ngayon, malayo daw na mag-seminar siya sa isang lugar gaya ng ipinapakita nila sa pelikula.

"Waging-wagi naman ang love life ko ngayon, hindi na talaga kailangan," aniya.

Inspirasyon ngayon ni Arci ang tatlong taon ng karelasyon, ang local rock artist na si Badi del Rosario, anak ng prinsipe ng Brunei na si Prince Jefri Bolkiah.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.