Vice Ganda makakatunggali sina Gerald, Daniel sa 'All-Star' basketball game

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2019 07:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv


MAYNILA — Nakatakdang magtagisan sa basketball sa Linggo ang Kapamilya stars na sina Vice Ganda, Gerald Anderson, at Daniel Padilla na may kaniya-kaniyang koponan para sa taunang ABS-CBN All-Star Games. 

Pasok sa tandem nina Anderson at Daniel ang iba pang stars na sina Zanjoe Marudo, JC de Vera, Ejay Falcon, Joseph Marco at iba pa.

Katapat nila ang team Showtime ni Vice Ganda, kung saan bibida sina Vhong Navarro, Billy Crawford, Jhong Hilario, at iba pang stars sa naturang noontime show. 

"Very exciting dahil kasama nung laro na 'yun ay kompetisyon, pero it's a friendly competition... Marami rin tayong mapapanood na mga bagong artists na sasabak sa basketball court ngayon, mga new breeds," sabi ni Padilla. 

Ang tinutukoy ni Padilla ay ang hiwalay na basketball match-up ng team ni Elmo Magalona kontra sa koponan ni Jerome Ponce. 

Bukod sa basketball, may tunggalian din sa volleyball na pangungunahan ng teams nina Kim Chiu at Julia Barretto.

Gaganapin ang laro sa Araneta Coliseum.


—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.