Paulo Avelino, iginiit ang halaga ng pelikulang 'Goyo'

Reyma Deveza, ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 05:43 PM | Updated as of Aug 27 2018 09:38 PM

Paulo Avelino leads the cast and crew of 'Goyo: Ang Batang Heneral' at the media conference for the film. Mark Demayo, ABS-CBN News

MANILA --Para kay Paulo Avelino, napakahalaga ng kanyang pinakabagong pelikula na "Goyo: Ang Batang Heneral."

Sa pinakaabangang pelikula na ipapalabas ngayong Setyembre 5, gagampanan ni Avelino ang buhay ng pinakabatang heneral na si Heneral Gregorio "Goyo" del Pilar.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Mahalaga sa akin itong pelikulang ito hindi lang bilang artista, kung hindi bilang mamamayan ng Pilipinas dahil importante sa akin na sana ay malaman ang istorya natin," ani Avelino.

"Importante sa atin na paulit-ulit ipaalaala sa atin itong mga istorya natin para makita natin ang mga pagkakamali natin at maitama natin sa ngayon," dagdag ng aktor.

Ayon kay Avelino, maraming makaka-relate sa pelikulang "Goyo."

"Maraming makaka-relate not just the young people but all generations. Not just because of our history but because of knowing or remembering who you are. Parang tagline nga, 'Tandaan mo kung sino ka.' Pagpapaalala sa iyo kung sino ka," ani Paulo na isa rin sa producers ng "Goyo." 
 

Ayon naman sa direktor ng pelikula na si Jerrold Tarog, malayo ang pelikulang "Goyo" sa nauna niyang pelikula na "Heneral Luna" na pinagbidahan naman ni John Arcilla.

"Kung si Luna ay apoy, si Goyo ay tubig. Ganoon 'yung kuwento. Mas tahimik ang pelikula. In a way parang invitation siya sa audience para pag-isipang mabuti kung ano ang nangyayari. Hindi siya 'yung paglabas mo ng sinehan na 'I stand with Luna, galit na galit ako.' It's more of 'saan ba tayo nagkamali at ano ang nangyari sa revolution," ani Tarog.

Dagdag ni Tarog, nararapat na mapanood ng mga kabataan ang kuwento ng buhay ni Goyo.

"Tingnan ng kabataan 'yung idea na natuto si Goyo na mag-sacrifice. I don't want to give away too many things sa tema pero 'yung ideya ng sacrifice, that's one important thing. 'Yung ideya nang pagkilala mo sa sarili mo is not really a kind of egotism kung hindi it's more of learning to let go of your own for a greater good," ani Tarog.

Maliban sa mga aral ng kasaysayan, ipapakita rin sa pelikula ang kakaibang karakter ni Goyo bilang isang tao.