PatrolPH

James, Xian maaari bang umibig sa 'mas matanda'?

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 03:07 PM | Updated as of Aug 23 2018 03:19 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Sa pelikulang "Miss Granny," gaganap bilang leading men sina Xian Lim at James Reid kay Sarah Geronimo, na gaganap naman bilang pinabatang bersyon ng karakter ni Nova Villa.

Kaugnay ng kanilang mga papel, tinanong sa dalawa sa episode ng "Tonight With Boy Abunda" noong Miyerkoles kung bukas ba sila sa ideyang umibig sa taong mas matanda sa kanila.

Base sa pahayag ni Boy Abunda, tila ang orihinal na pagkakabuo sa tanong ay kung maaari bang umibig ang dalawa sa "lola" pero binago ni Abunda ang pananalita.

"Would you fall in love... I think the better way, because we're talking about lolas here. I think the more politically correct way of asking this is, would you fall in love with somebody much older than you are?" tanong ni Abunda.

Tumugon naman si Reid sa pamamagitan ng isa ring katanungan: "How old?"

 

A post shared by James Reid (@james) on

Nasa 50 anyos na babae ang sinabi ni Abunda, doble ng edad ni Reid.

"It depends. Filipinas, they don't look their age. She could look like she's 30 years old but really, 50. I mean, it depends," sabi ni Reid.

Bago naman sumagot si Lim, hiniling niya kay Abunda na tanungin ang kaniyang edad, kung saan pabirong sinabi ng 29 anyos na aktor na siya ay 23 anyos.

"Okay, Xian, 46 year old," sabi ni Abunda, alinsunod sa pabirong edad na ibinigay ni Lim. "But would you?"

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

"Yeah. Sa 'kin naman ang edad naman, 'pag once you fall in love with that person, ano na eh, lahat 'yan mawawala eh," ani Lim.

Kasalukuyang iniuugnay si Reid sa kaniyang katambal na si Nadine Lustre habang si Lim naman kay Kim Chiu.

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph) on

Palabas na sa mga sinehan sa bansa ang "Miss Granny," na dinirek ni Joyce Bernal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.