Heart Evangelista, handa ba maging first lady ng Pilipinas?

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 08:02 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Nagbigay pahayag ang aktres at senatorial spouse na si Heart Evangelista-Escudero nang tanungin ng entertainment press kung handa ba siya na maging first lady ng Pilpinas.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte na isa ang kanyang mister sa mga nakikita niya na pasok sa kanyang standard na pumalit sa kanyang posisyon bilang presidente ng Pilipinas.

"I'm happy where I am, and I'm busy doing my own thing and whatever he is doing, I'll support him. Pero ayaw ko talaga makialam," pahayag pa ng aktres nitong Huwebes sa entertainment press sa launch ng kanyang adbokasiya kasama ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS).