PatrolPH

Ella Cruz nag-kiddie party para sa 25th birthday

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2021 12:21 PM

Ipinagdiwang kamakailan ng aktres na si Ella Cruz ang kaniyang ika-25 birthday sa pamamagitan ng kiddie party sa bahay. Retrato: Instagram/@ellacruz
Ipinagdiwang kamakailan ng aktres na si Ella Cruz ang kaniyang ika-25 birthday sa pamamagitan ng kiddie party sa bahay. Retrato: Instagram/@ellacruz

Ipinagdiwang ng aktres na si Ella Cruz ang kaniyang ika-25 na kaarawan sa pamamagitan ng isang "kiddie party" na idinaos sa kaniyang bahay.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Cruz ng mga retrato kung saan makikitang enjoy siya kasama ang mga kapamilya at kaibigan habang naglalaro sa inflatable slide at ball pit.

Naroon din sa pagdiriwang ang on-screen partner at nobyo ni Cruz na si Julian Trono.

Base sa caption ng post, sinorpresa si Cruz ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.

"Lagi kong sinasabi 'simple lang, 25 naman na ako eh.' Pero binigyan nila ako ng children's party," sabi ni Cruz.

"Dahil bawal lumabas para magresort, dinala na lang nila sa bahay," dagdag ni Cruz.

Noong Agosto 17 ang ika-25 na kaarawan ni Cruz, na kilala sa pagbida niya sa ABS-CBN fantasy series na "Aryana" noong 2012.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.