'Tawag' finalist Eumee, naglabas ng bagong awitin

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2018 12:17 PM

MANILA -- Isang bagong awitin ang inilabas ni Eumee Capili, isa sa grand finalists ng kauna-unahang "Tawag ng Tanghalan."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, nagbahagi si Eumee tungkol sa kanyang single na "Bratatat" na aniya ay isang "fight song."

"Ipinaglalaban ko po na kahit anong dumating na unos o bagyo sa buhay ko ay ipaglalaban ko ang love and passion ko," paliwang ni Eumee.

Para sa mga manonood, inawit ni Eumee ang kanyang bagong awitin.

Matatandaang nagmula sa Bulacan si Eumee na isang band vocalist na sumali sa "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime" para matulungan ang kanyang mga magulang.